Hindi lang rap ang kayang gawin ni Arkin Magalona, bunsong anak ng
yumaong Master Rapper na si Francis Magalona at biyuda nitong si Pia—
kaya rin pala ni Arkin mag-host ng isang event.
Last Tuesday, February 26, si Arkin ang nag-host sa event ng Tang juice drink na “Tang Galing Mo Kid.”
Ito ay isang eksklusibong samahan ng mga kabataan sa buong bansa na naglalayong maipakita ang galing ng batang Pinoy. Ginanap ang event sa Mind Museum, The Fort, Taguig.
Hindi pa man sanay sa hosting ay masaya si Arkin na naging bahagi siya ng event para sa mga kapwa niya bata.
“Yes, a… medyo kabado kasi nga first time ko nga mag-host,” sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest ng TV5 tungkol sa kanyang karanasan bilang isang host.
EXAMPLE TO THE YOUTH. Aniya, ginawa niya ito upang
mahasa ang kanyang hosting skills at para na rin makatulong sa
pag-empower ng mga kabataan sa bansa. “Dapat puwede tayong [kabataan] makatulong dahil tayo ang future.
“Gawin niyo iyong makakaya niyo para makatulong sa kapwa at sa planet natin, di ba?” wika ni Arkin para sa mga kapwa kabataan.
Sa kanyang munting paraan, pinagsisikapan ni Arkin ang maging isang magandang ehemplo sa mga kabataan.
Kuwento ng 13-year-old na batang performer, “Ako kasi, dahil Tang-galing ako, tina-try kong maging good son. “Good son ka [dapat] lagi o kaya daughter,” payo niya sa ibang kabataan.
STUDIES FIRST. Bukod sa paghahasa ng kanyang mga talento ay pinaghuhusayan din ni Arkin ang kanyang pag-aaral.
1 comment:
Ilang taon na kaya ngayon si Arkin???hmmmmm
Post a Comment